Nilagdaan unang wika, ng pambansang wika, at

Nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy”
Aquino noong ika-15 ng Mayo taong 2013 ang isinabatas na R. A. 10533 (Enhanced
Basic Education Act of 2013) o mas kilala bilang K-12 Curriculum. Ayon kina
Estrada at Gargantiel (2013), ang batas na ito ay nagsasaad na ang mga
mag-aaral ay kailangang sumailalim sa mga baitang mula Kinder hanggang Grade 12
sa kanilang pag-aaral ng batayang edukasyon. Ang mga antas na ito ay binubuo ng
pitong (7) taon sa primary education kasama ang Kindergarten, apat (4) na taon
sa Junior High School at dalawang (2) taon sa Senior High School na may
kabuuang labing-tatlong (13) taon.

Kaangkla din sa batas na ito ay ang
pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE).
Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1) bilang
wikang panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas
sa may maraming wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na
kung saan mayroong humigit kumulang 181 na lengguwahe na naging sanhi ng
pagkakaroon ng problema ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing
sistema. (Estrada & Gargantiel, 2013)

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran ng
Edukasyon, layunin ng MTB-MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasa
sa paggamit ng unang wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng
Ingles. May mga pag-aaral na nagpatunay ng mabuting bunga ng MTB-MLE,
sinasabing madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang leksyon dahil ang ginagamit
na salita o wika ay ang wikang kinagisnan. Ayon kay Director Paraluman Giron ng
DepEd Region IV-A maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, sa
unang taong pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upang
masanay sila sa mas malawak na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron, kung
gagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga bata masasanay sila sa pagsasagot
at pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim na pagkaunawa. (PIA
Achieve News Reader, 2010)

            Ayon
kina Abad at Ruedas (2001), sinasabing ang pinakamalinaw at magiging gamitin na
wikang panturo sa mga nag-uumpisa pa lang mag-aral upang malaman ang kahulugan
at maintindihan ang pananaw ng bawat tao sa kanilang mundong ginagalawan ay ang
wikang kanilang naintindihan at madalas na gamitin.

            Sa
kabilang banda, kasabay ng pagpapahayag sa mabuting bunga nito may mga
pag-aaral na nagpapatibay na may desbentaha rin ang nasabing programa. Ayon kay
Ronquillo (2016), napatunayang may kamahalan ang pagsasalin sa mga kagamitang
pang-edukasyon sa walong (8) lenggwaheng nirekomenda ng DepEd. Karagdagan nito,
kung pinaboran ang Mother-Tongue, ang kasanayan sa Ingles ng mga bata maging sa
pambansang lenggwahe ay maaaring mabawasan.

            Sa
pag-aaral nina Bendanillo, et al., (2014), may mga katha na binuo hinggil sa
problema sa pagpapatupad ng MTB-MLE sa pagtuturo sa iba’t ibang pinangyarihan.
Ito ay ang mga kawalan ng mga aklat na nakasulat sa Mother-Tongue, kakulangan
sa talasalitaan at kakukangan sa kasanayan ng mga guro.

            Sa
kabila ng mga pahayag sa MTB-MLE nararapat lamang na isalin ang mga kwentong
pambata upang mas lalong makuha ang nais ipabatid ng kwento. Ayon
kay Larson (1984), ang pagsasalin ay pagbibigay ng nais ihatid na mensahe ng
unang wika na gumagamit ng mga batas pambalarila ng wikang pinagsasalinan.
Gayundin ni E. Nida (1959/1966), sinasabing ang pagsasalin ay paglilipat wika
sa pinagsasalinang wika na katubas ng mensahe batay sa kahulugan at istilo
nito. Sinabi rin ni Newmark (1977), ang pagsasalin ay pagsasanay na binuo upang
magtangkang mapalitan ang lenggwahe ng orihinal sa ibang lenggwahe na may
parehong mensahe.

            Ayon
sa teorya sa pagsasalin ni John Dryden, may tatlong uri ng salin: (1)
metaphase, o salita-sa-salitang katumbas ng simulaang lenggwahe patungo sa
tunguhang lenggwahe; (2) paraphrase, o ang pagsasalin ng kahulugan sa kahulugan
ng bawat salita; at (3) imitation, o isang malayang pagsasalin na kung saan
maaaring baguhin ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraan na kung saan
palagay niya ay tama. (Batnag & Petras, 2009)

            Noong
taong 2016, ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon sa pamantasan ng Angeles
University Foundation ay nagkaroon ng pananaliksik tungkol sa pagsasalin ng mga
piling kwentong pambata sa ikatlong baitang na magagamit sa pagtuturo ng
MTB-MLE. Naging matagumpay ang nasabing pag-aaral sa layuning maisalin sa
Kapampangan ang mga piling kwentong pambata ng ikatlong baitang bilang tugon sa
kawalan o kasalatan ng mga kagamitang pampagtuturong gagamitin sa MTB-MLE at
mataya ang bisa ng pagkakasalin ng mga ito. Ang dalawang akdang kanilang
isinalin ay naaprubahan at napabilang sa mga kagamitang panturo sa MTB-MLE para
sa ikatlong baitang.

Sa kasalukuyan, limitado pa lang ang mga
kagamitan sa pagtuturo ng nasabing programa. Kaya’t ang mga mananaliksik mula
sa pamantasan ng Angeles University Foundation ay nagtangkang magsagawa ng
isang imbestigasyon upang maisagawa ang pagsasalin at maragdagan ang
mga akdang pambata sa Kapampangan upang magamit sa pagtuturo ng MTB-MLE sa
ikalawang baitang na siya namang
layunin ng mga mananaliksik at ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: (1) Paano
inilarawan ang pagpili ng mga kwentong pambatang isinalin?, (2) Anong teorya at paraan
ang dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng mga piling kwentong pambata upang
makamit ang katapatan at kahusayan ng saling mga akda at ang katumpakan nito sa
mga target na mambabasa?, (3) Ano
ang taya ng mga dalubhasa sa wika sa mga naisaling piling akda batay sa: (a) diwa, (b) estetikong katangian,
(c) kahusayan ng mga saling-akda, at (d) kaangkupan ng mga saling-akda sa mga
target na mambabasa, at (4) Ano ang taya ng mga piling guro ng ikalawang
baitang sa kahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ng pagbabasa at
komprehensyon ng mga target na mambabasa ayon sa: (a) dulas, (b) bokabolaryong salita, (c) mensahe, at (d)
komprehensyon na masasagot sa pagpapatuloy ng pananaliksik.